Brand New Jeepney For Sale

Naghahanap ka ng maaasahang jeepney manufacturer na maaasahan? Yun bang mura ngunit di hamak na maganda ang porma? Kung ikaw ay nagpaplanong bumili ng pampasahero o private na jeepney, baka sabihin mong napaka hirap naman palang mag hanap ng impormasyon kung saan pwedeng magpagawa o bumili ng jeeney. Tama ka, naranasan din naming ang hirap sa paghahanap ng maaasahang taga gawa ng jeepney. Dahil sa alam namin na ang iyong excitement sa pagkakaroon ng jeepney ay kadalasang napapalitan ng pagkabigo dahil sa limitado at kadalasay kulang ang mga impormasyong makukuha mo tungkol sa mga jeepney manufacturer dito sa internet, kami na mismo ang naghanap at kumontak sa mga taga gawa ng jeep.

Maging pampasaherong jeepney o private jeepney ang hinahanap mo, mas maganda kung bibili ka ng brand new jeepney, ang pag bili ng bago ang siyang pinaka magandang option para saiyo. Kung bibili ka ng bago, hindi mo na kailangan mamroblema pa tungkol sa kalawanging kaha at mga pyesa ng segunda manong jeepney.

Mga pagpipilian sa pagbili ng jeepney

Subalit, kung gusto mo ng brand new jeepney, kailangan mo ng malaki-laking halaga kumpara sa secondhand jeep. Totoo, ang pagbili ng brand new jeepney ay isang malaking investment, pero may mga kumpanyang gumagawa ng brand new jeepney na installment o hulugan. Ngunit kung gusto mong makatipid at hindi nka naman nag mamadali sa pagbili mo ng bagong sasakyan, mas maganda kung mag iipon ka muna sapagkat mas mura ang brand new jeepney kung ito ay bibilhin ng cash.

Ang mga taga gawa ng jeepney ay nag ooffer ng iba’t ibang mapagpipilian. Kung gusto mo ng magara, matibay ngunit mamahaling brand new jeepney, doon ka sa full stainless option. Kung gusto mo naman ng pinaka mura ngunit matibay na jeepney, kunin mo na ang galvanized iron na jeep.

Pwede kang kumuha ng kumpletong jeepney, may magarang porma, kumpleto na pati mga sticker. Kung nagtitipid ka, mas maganda saiyo ang simpleng jeepney sapagkat ito ay mabibili mo ng mura.

Karamihan sa mga brand new jeepney na for sale ay gumamit ng makinang di krudo na Isuzu 4BC1 o 4BC2 na galing ng bansang Japan. Pero kung gusto mo ng ibang uri ng makinang diesel type, pwede kang magrequest sa jeepney manufacturer ng partikular na makinang gusto mo.

Baka masorpresa ka, ang diesel engine na ilalagay sa brand new jeepney mo ay hindi bago. Subalit bago naman nila ito ilagay sa jeepney mo, titiyakin muna ng mga eksperto sa makinang diesel na ito na recondition ng maayos at ang kalidad ay parang bago lamang.

Magkano ba ang brand new jeepney?

Ang brand new jeepney na kukunin mo ay hindi kapareho ng ibang jeepney na nakikita mo, dahil ito ay gagawin depende sa kagustuhan mo. Kaya kung naghahanap ka ng jeepney price list na eksakto ang mga presyo, naku, mahihirapan ka! Mas mabuti kung gayon na ikaw na mismo ang tumawag sa brand new jeepney manufacturer para sabihin sa kanila kung anong uri o itsura ng jeepney ang gusto mo. At sila naman ang magbibigay ng estimate sa presyong kailangan mong ihanda.

Naghahanap ka ba ng brand new jeepney na installment na magaan sa bulsa? Tandaan na tanging malalaking jeepney manufacturers lamang ang may kakayahang mag offer ng installment plan para sa brand new jeepney.

Ang maliliit na mga kumpanya ng jeepney ay nagbebenta ng cash basis lamang.