Jeepney Design – Kaninong Jeepney Art ang Paborito Mo?

Ang makukulay na jeepney ay bahagi na ng kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Bukod sa ang jeepney ay ang pangunahing paraan ng transportasyon ng mga Pilipino, ang jeepney design o ang pagdedesenyo ng jeep ay nakatatak na rin sa tradisyong Pilipino.

Ang jeepney art ay ang paraan ng pagpapaganda ng jeepney. Kung bibili ka ng brand new jeepney, malamang na kasali sa pinagpaplanuhan mo at ipapakiusap mo sa jeepney manufacturer ay ang jeepney design na gustong-gusto mo.

Ano nga ba ang mga ginagawa sa Filipino jeepney para ito ay maging isang jeepney art? At alin sa mga jeepney manufacturer ang paborito mong mag design?

Jeepney design: Makukulay na mga jeepney sticker design

Bibihira sa isang jeepney ang hindi man lamang gumagamit ng jeepney sticker para sa design ng jeepney. Mahirap makakuha ng jeepney na puro stainless o galvanized iron lamang, hubad na jeepney ang tawag diyan! Ang kulay ng mga jeepney sticker design ay siyang magbibihis sa metal na bahagi ng jeepney. Ang jeepney stickers ay maaaring naka-concentrate sa harapan, hanggang sa tagiliran ng jeepney. Maraming mga Filipino jeepney ang may mga stickers at mga painting na para bang pang billboard ang jeepney art sa may bandang tagiliran. Ang ilan sa mga jeepney, hanggang sa likod ang mga jeepney stickers!

Magtanong sa paborito mong jeepney manufacturer kung anong sticker design for jeepney ang babagay sa sasakyan mo!

Jeepney art: jeepney design gamit ang mga borloloy

Kadalasan, ang mga jeepney accessories o mga borloloy ay mas nakakaakit kumapara sa makukulay na pintura sa jeepney. Anong mga accessories ang pwedeng ilagay sa jeepney mo bilang jeepney art?

Narito ang ilan sa mga pwedeng ilagay bilang jeepney art

  • Mga guide bar
  • Mga racks at rails
  • Mga grills
  • Mga maliliit na kabayo at busina
  • Iba’t-ibang uri ng salamin at ilaw
  • Mga antenna, bagaman tunay o hindi gumagana

Kaninong Jeepney Art ang Paborito Mo?

Kung magpapagawa ka ng brand new jeepney, isa sa mga konsiderasyon ang Jeepney art. Kaya kung gusto mo ng jeepney na gwapo katulad ng magmamaneho, pumili ka sa mga kilalang jeepney manufacturer kung kaninong jeepney design ang patok.