Anong Features at Uri ng Makina ang Gamit sa Jeepney na for Sale?

Baka curious ka sa kung anong uri ng makina ang gagamitin sa brand new jeepney na iyong ipapagawa. Ang pinka sikat na makina para sa jeepney ay ang Isuzu engines. Kadalasan, Isuzu 4BC1 o 4BC2 diesel engine na gawa sa bansang Japan ang ilalagay nila sa private jeepney mo, pero tulad ng nasabi na namin, ikaw ang boss dito! Ikaw ang pipili kung anong uri ng makina ang gusto mong ilagay, base na rin sa kagustuhan at budget mo. Pero kung ang mga jeepney manufacturer ang hahayaang magdisisyon, mas gusto nilang ikabit ang mga makinang Isuzu. Lahat ng mga jeepney ay gumagamit ng de-kruding makina. Sa bagay, ayos naman ang makinang diesel sapagkat malaki ang matitipid mo sa konsumo nito.

Features sa Brand New Jeepney

Bukod sa ang inyong jeepney ay personalized base sa inyong mga kagustuhan at pangangailangan, kasama sa magagandang mga features ng brand new jeepney na for sale. Power steering. Ang brand new jeepney na makukuha mo ay may power steering, o power-assisted steering. Ibig sabihin nito ay hindi ka mahihirapan sa pagmamanibela ng iyong sasakyan kaya ang mekanismo ng jeeney mismo ang aalalay sap ag pihit mo ng manibela. Wala nito ang lumang mga sasakyan.

Kasama sa iba pang mga features ay ang mga sumusunod:

  • Isuzu differential
  • Magandang stereo system
  • Libreng seatbelts
  • Sky rack
  • large carrier
  • sliding na mga bintana
  • Stainless na window grills
  • Stainless na dashboard
  • Stainless na spoiler
  • Mga stickers o airbrush design
  • Malalaking busina
  • Karagdagang mga ilaw
  • Libreng jack at wrench set o tool box

Ang ibang mga jeepney manufacturer ay nagbibigay din ng libreng registration. Ibig sabihin, sila na ang bahalang maglakad ng inyong mga papel sa pagpaparehistro ng inyong brand new jeepney sa Land Transportation Office. Magtanong lamang sa inyong brand new jeepney manufacturer para sa karagdagang mga detalye.

Asahan mong hindi nila magagawa ang iyong brand new jeepney na for sale sa loob lamang ng isang linggo. Kaya’t kung ikaw ay isang taong mainipin, itanong mo na nang patiuna sa taga gawa ng jeep kung ilang araw o linggo aabutin ang paggawa at pagpapaganda ng inyong bagong-bago, gwapong gwapo na brand new jeep.

Para sa karagdagang mga impormasyon sap ag kontak sa mga jeepney for sale manufacturer sa pamamagitan ng pag click sa link na ito!