Passenger Jeepney

Passenger Jeepney for Sale: Paano Makabibili Ng Passenger Jeepney sa Pilipinas?

Malamang ay nagtatanong ka kung paano nga ba naging bahagi ng kulturang Pilipino ang mga passenger jeepney. Ang kasaysayan ng passenger jeepney ay nag simula pa noong katapusan ng digmaang pandaigdig II. Matapos ang malagim na digmaan kung saan katulong ng mga Pinoy ang mga sundalong Amerikano sa pagtataboy ng mga Hapones, iniwanan ng mga tropang Amerikano ang kanilang American made na mga jeep sa mga kaibigan nilang Pinoy. Ang iba naman sa mga jeep, ipinagbili ng mga Kano sa murang halaga.

Tamang-tama, katatapos pa lamang ng digmaan, walang gaanong masasakyan ang mga tao, lalo na sa lungsod ng Maynila na noon pa man ay sentro na ng kalakalan ng ating bansa. Malaki ang pangangailangan ng transportasyon, kaya naisipan ng mga Pinoy na i-convert ang mga jeep na bigay ng mga Amerikano, pinahaba nila ito at ginawang passenger jeepney, ang siyang pinakapopular na paraan ng pampublikong transportasyon.

Sa Manila unang naimbento ang passenger jeepney, ngunit dahil ito ay kumbenyente sa pasahero at madaling mapagkakitaan ng mga negosyante, ang passenger jeepney ay naging sikat na sa boung Pilipinas sa loob lamang ng ilang panahon!

Ang passenger jeepney at ang pagiging malikhain ng mga Pinoy

Ang mga Pilipino ay malikhain at likas na mapagmahal sa sining. Ang mga bagay na mahalaga sa atin ay lalo nating napatitingkad dahil sa sining. Halimbawa ang ating pampasaherong jeepney ay dating kulay itim ng ito American jeep pa. Ngunit ng ito ay i-convert na ng mga Pinoy, ginawa nila itong makulay na masterpiece, kasing ganda ng watawat ng Pilipinas!

Kaya naman, ang passenger jeepney na gawang Pinoy ay naging bahagi na ng tradisyon at kulturang Pilipino. Tunay, ito ay isang simbolo ng sambayanang Pilipino.

Paano makabibili ng passenger jeepney

Para magamit ang iyong jeep sa pamamasada, kailngan mo munang kumuha ng prankisa o franchise sa munisipyo o syudad na nakakasakop sa iyo. Hindi ka pwedeng basta na lamang mamasada na walang pahintulot ng lokal na pamahalaan.

Ang lahat na mga ruta ng pampasaherong jeep ay organisado, hindi ka pwedeng basta na lamang pumasok at mamasada sa lugar na hindi mo naman talaga ruta, ikaw ay pagmumultahin ng katako-takot kung hindi ka man makulong dahil sa ito ay isang seryosong paglabag.

Gusto mong kumuha ng prankisa para ikaw ay makapagpasada ng iyong passenger jeep? Tandaan na ang prangkisa sa passenger jeep ay sadyang napakalimitado sa bilang, kaya’t huwag kang magtaka kung bakit medyo may kamahalan kung kukuha ka nito.

Kung bibili ka passenger jeepney na for sale, baka isipin mong napakamahal naman pala ng jeepney! Subalit tandaan mo na ang pampasaherong jeep ay isang napakagandang kabuhayan kaya sulit ang iyong investment dito! Pwede ka namang kumuha ng installment na jeepney, yung hulugan ba? Ngunit mas makatitpid ka kung kukuha ka ng cash.

Ang mga taga gawa ng passenger jeep na for sale ay nagbebenta ng iba’t ibang jeepney, mula sa pinakamagarang stainless hanggang sa pinaka murang mapagpipilian. Pwede kang makabili ng jeepney na driver na lamang ang kulang ay mamasada na!

Karamihan sa mga passenger jeepney for sale ay gumagamit ng a Isuzu 4BC1 o 4BC2 diesel engine na gawa sa Japan. May iba’t ibang uri ng makinang pwede mong pagpilian na magiging swak sa budget mo.

Ang mga makinang ginagamitan ng diesel ay hindi nab ago, subalit ito ay irenere-condition ng mga eksperto sa makina para gawing parang bago lang ulit.

Passenger jeepney price

Pwede kang magpagawa ng customized na jeep, ang price nito ay hindi pare-pareho sapagkat ibabagay ito sa kagustuhan ng nagpapagawa. Mas mabuti kung tatawagan mo muna ang taga-gawa ng jeepney at sabihin sa kanila kung anong klase ng passenger jeepney ang talagang gusto mo. Bibigyan ka nila ng estimate ng price ng passenger jeep na for sale.

Narito ang listahan ng mga passenger jeepney manufacturer dito sa Pilipinas.


Armak Passenger Jeepney

Classic jeepney style by Armak motors

Armak Motors Passenger Jeepney

Armak Motors Passenger Jeepney


Camel Passenger Jeepney

LED light for transformers eyes at Camel Motors jeepney style

Camel Motors Passenger Jeepney

Camel Motors Passenger Jeepney


Celestial Passenger Jeepney Design

Stainless steel jeepney design by Celestial Jeepney

Celestial Motors Passenger Jeepney

Celestial Passenger Jeepney


JHG Passenger Jeepney

JHG Motors Jeepney sticker design

JHG Motor Workz Passenger Jeepney

JHG Passenger Jeepney

Filipino jeepney design with stickers by JHG Motors

JHG Passenger Jeepney


Kumagai Motors Passenger Jeepney

LED light effects jeepney design

Kumagai Motors Passenger Jeepney

Kumagai Passenger Jeepney


Milwaukee Motors Passenger Jeepney

Milwaukee Motors Car Show Design

Milwaukee Motors Passenger Jeepney

Milwaukee Motors Passenger Jeepney


Morales Motors Passenger Jeepney

Filipino Jeepney style made with air-brush design

Morales Motors Passenger Jeepney

Morales Motors Passenger Jeepney


Tandenrich Motors Passenger Jeepney

Sticker design for jeepney by Tandenrich

Tandenrich Motors Passenger Jeepney

Tandenrich Motors Passenger Jeepney