Private Jeepney

Private Jeepney

Private Jeepney for Sale: Saan Makabibili ng Private Jeepney sa Pilipinas?

Bagaman ang kauna-unahang jeepney sa Pilipinas ay ginawa para masagot ang pangangailangan ng mga tao sa kumbenyente at murang transportasyon, ang malalaking pamilya ay gustong magkaroon ng private jeepney.

Mga Pakinabang ng private jeepney

Bakit nga ba nauuso ang private jeepney sa malalaking pamilya? Simple lang, dahil sa ang jeepney ay kumbenyenteng sasakyan para sa maraming pasahero, ang pagkakaroon ng private jeepney ay swak na swak para sa malalaking pamilya.

Marami ang mga kapamilyang kaya nitong isakay. Madali lamang at walang kahiraphirap ang pagbyahe papuntang beach o mall. Kung ikaw ay may private jeepney, hindi na masakit sa ulo ang pagplano ng malalayong biyahe sapagkat palaging available ang inyong jeep.

Ang ilan sa mga private jeepney ay ginagamit ring cargo vehicle o sasakyang panghakot ng mga bagahe. Kung ikaw ay may negosyo, makakatulong ng malaki sa negosyo moa ng pagkakaroon ng private jeepney.

Hindi lang pampamilya, pangnegosyo pa!

Paano makabibili ng private jeepney?

Alam mo, ikaw ay magiging proud na proud sa private jeepney mo dahil ito ay ginagawang tamang-tama sa iyong panlasa.

Oo, medyo may kamahalan ang pagbili ng private jeepney na for sale, subalit ito ay pwede mo namang kunin sa installment basis o hulugan. Pero tulad ng iba pang mga gamit, makatitipid ka kung ikaw ay mag-iipon muna ng pera na pang bayad ng cash sa jeepney mo.

Ano bang uri ng private jeepney ang gusto mo?

Gusto mo ba ng jeepney na stainless ang kaha? O private jeepney na galvanized iron? Ang mga taga gawa ng private jeepney ay nag ooffer ng iba’t ibang pagpipilian pag dating sa kung anong kaha jeepney ang gusto mo!

Kung gusto mo nang magarang jeepney, puno ng sticker at makulay na mga design, igagawa ka nila! Kung gusto mo namang makatipid, bibigyan ka nila ng private jeepney na sakto lang sa budget mo.

Kadalasan, Isuzu 4BC1 o 4BC2 diesel engine na gawa sa bansang Japan ang ilalagay nila sa private jeepney mo, pero tulad ng nasabi na namin, ikaw ang boss dito! Ikaw ang pipili kung anong uri ng makina ang gusto mong ilagay, base na rin sa kagustuhan at budget mo.

Oo, karamihan sa mga makinang diesel o krudo ang gamit ay hindi na bago, subalit makatitiyak kang parang bago ito muli sapagkat ikukundisyon ito ng mga propesyunal na eksperto pag dating sa makina ng iyong private jeepney.

Dahil sa halos lahat ng aspekto ng private jeepney for sale ay customizable depende sa kagustuhan ng magpapagawa, ang price ng private jeepney ay hindi rin pare-pareho. Para hindi ka masorpresa sa price ng jeep na kukunin mo, mas mabuting tumawag ka muna sa private jeepney manufacturer at sabihin sa kanila kung anong uri ng private jeepney ang gusto mo. Saka mo malalaman kung magkano ang total na price ng iyong sasakyan.

Narito ang listahan ng private jeepney manufacturer na maaari mong tawagan.


Armak Private Jeepney

Armak classic stainless steel jeepney design

Armak Motors Jeepney

Armak Private Jeepney


Camel Private Jeepney

Camel Motors stainless steel with transformers front jeepney design

Camel Motors Private Jeepney

Camel Motors Private Jeepney


Celestial Private Jeepney

Stainless steel jeepney design by Celestial Jeepney

Celestial Motors Jeepney

Celestial Private Jeepney Design


JHG Private Jeepney

Modern JHG Motors Jeepney front style

JHG Motor Workz Private Jeepney

JHG Private Jeepney


Kumagai Private Jeepney

Kumagai jeepney design with typical front style

Kumagai Motors Jeepney

Kumagai Motors Private Jeepney


Milwaukee Motors Private Jeepney

Milwaukee Motors Jeepney

Milwaukee Motors Private Jeepney


Morales Motors Private Jeepney

Jeepney art by Morales Motors – airbrush design on jeepney!

Morales Motors Jeepney

Morales Motors Private Jeepney


Tandenrich Motors Private Jeepney

Sticker design for jeepney by Tandenrich

Tandenrich Motors Jeepney

Tandenrich Motors Private Jeepney


Hataw Motors Private Jeepney

Sticker design on Hataw Motors Jeepney

Hataw Motors Jeepney

Hataw Motors Private Jeepney